![]() |
Museo ng Katipunan |
Katulad ng nabanggit, maraming rebulto, kagamitan, at larawan ang makikita sa loob. Narito ang iilang halimbawa ng mga bagay na aming makuhanan ng litrato.
![]() |
Ang sanduguan ay isang ritwal kung saan ihinahalo ang dugo ng kasapi sa ritwal at iniinom na ginagamit ng sinaunang Pilipino upang mapasyahan ang isang kasunduan. |
Isa sa mga pinaka magandang estatwa sa loob ng museo ay ang Sandugan dahil ito ay mukhang makatotohanan. Nang makita namin ito ay naaalala namin na noong panahon nila Andres Bonifacio ay ginagamit nila ang kanilang sariling dugo bilang patunay sa kanilang pinagkasunduan.
Sa sumunod na larawan ay ang rebulto ni Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio. Siya ang gumawa ng watawat ng katipunan kasama si Benita Rodriguez dahil sa hiling ni Bonifacio para sa kaniyang samahan. Masayang isipin na ang mga Pilipino noong nakaraang panahon ay malikhain. Ang bawat simbolo na makikita sa watawat ng KKK ay may kanya kanyang ibig sabihin.
Kung titingnan sa una, tila nakakamangha ang sandata na nakapaloob sa isang lalagyan na gawa sa salamin. Ang espada o sandata ay sumisimbolo sa pagiging matapang ng isang tao at walang inuurungan sa kahit na anong laban. At bilang isang Pilipino, nakakamarangal ang kasaysayan ng mga sandatang nasa larawan.

Sariwa sa aming mga mata ang mga sulat na nakita namin sa loob ng museo at nakakagulat isipin na ito ay buhay pa rin hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang lumipas. Tila magaling mag-alaga ang mga obrero sa museo dahil napanatili nila ang porma ng mga sulat.
Nung nakita namin ito, ang pumasok sa aming kaisipan ay ito ang lugar kung saan nagmula ang himagsikan nila Andres Bonifacio. Dito rin ang itinaas ng kauna-unahang watawat ng katipunan. Nakakalungkot malaman dahil naging kabayaran ang kanilang buhay para ipaglaban ang kanilang kapayapaan.
![]() |
Replika ng Sedula |
Nang nakita namin ang sedulang ito, pumasok agad sa aming isipan ang mga nakaraang leksyon namin sa Philippine History. Natuwa kami dahil gusto talaga namin makita kung ano ang itsura ng sedula kahit ito ay isang replika lamang.
![]() |
Mula kaliwa: Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar |
Dito makikita ang tatlong bayani na lumaban sa ating bansa. Si Emilio Jacinto na naging utak ng katipunan. Si Andres Bonifacio na Ama ng Rebolusyong Pilipino. At si Gregorio del Pilar na isa sa heneral ng Rebolusyong Pilipino at Giyera ng Pilipinas at Estados Unidos. Masayang isipin na hindi rin magpapahuli ang mga Pilipino sa kagitingan.
Ang pasilidad sa Museo ng Katipunan ay tila nakakamangha dahil sa pagkaka-ayos nito. Maganda ang loob at kahit na maliit ito tingnan sa labas ay kapag nakapasok ka na sa loob ay magugulat ka dahil sa lawak ng espasyo ng lugar. Ang sahig ay malinis at walang kahit isang kalat na makikita. Ang mga kagamitan tulad ng erkon ay gumagana at ang amoy ng paligid ay nakakamangha.
I-ilan lamang ang mga iyan sa mga bagay na makikita sa loob ng Museo ng Katipunan. Ang pagpunta namin sa lugar na 'yan ay masasabi naming magandang karanasan sa aming parte bilang mga estudyante at isang Pilipino. Marami kaming natutunan tungkol sa kasaysayan ng Katipunan noong unang panahon at nagagalak kaming sabihin na ang istorya ng Katipunan ay may ikapupulutan ng aral.
Kung nais niyong bumisita sa Museo ng Katipunan ay matatagpuan ito sa 29 Pinaglabanan, Cororazon De Jesus Pinaglabanan, Corororazon De Jesus, San Juan, Metro Manila, at bukas ito mula 8:00 am hanggang 5:00 pm 'tuwing martes hanggang linggo.
Mga sumulat: Tricia Bartolo, Denice Cerbas, Katherine Flores, Kelly Soriano, Michaela Tabernero, Marthina Talang
Mga kumuha ng larawan: Katherine Flores, Marthina Talang
Editor: Michaela Tabernero
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento